Parang Baliw Testo

Testo Parang Baliw

Nang ikaw ay lumisan
Natangay mo'y katwiran
Ng nagmamahal sa iyo
Nang ako ay Iniwan
Natira'y puso lamang
Ng nagmamahal sa iyo

Aking puso't damdamin
Ay di na dadalhin
Sa dating tagpuan
Na ating suyuan

Para bang baliw
Na hinahanap ka
Para bang baliw
Na tinatawag ka
Sa harap ng sinungaling
Na pang-aliw
Na babalik ka pa giliw
Para bang baliw
Na umiibig pa

Ang muli kang maging akin
Ang tangi siyang panalangin
Ng nagmamahal sa iyo
Pano mo pipigilin
Ang mapusok na damdamin
Ng nagmamahal sa iyo

Alaalang nahiram
Tuwing aking binabalikan
Puso'y lumalaban
Sa aking katwiran